Mgandang umaga!

Bukas na ang 2007 Phil. Independence Day. Nagkausap kami ni g0ma kagabi at nagkatanungan kung ano bang gimik sa PBS ngayon nalalapit na araw ng kalayaan? hmmm. Good Question!

Oo nga noh. Ano nga ba kaya ang magandang gawin para sa okasyon na 'to? Ano sa tingin nyo mga kasama? Kelangan ba tayong magsisisigaw ng "KALAYAAN, KALAYAAN" tulad ng commercial sa TV... nakita nyo na ba yun? hehe. Nabanggit ni g0ma na sigurado daw marami sa mga kasama nating bloggers ang malamang magpopost ng mga topics na akma sa okasyong ito. Ang galing talaga ni g0mz. Sayang nga lang hindi siya pinalad sa senado *lol*. joke lang g0ma hahaha.
Anyways, based don sa idea na yun... pwede pa nga ba tayong umisip ng pag-kakaabalahan dito sa PBS para sa nalalapit na Kalayaan2007? What if i-cover natin sa PBS group blog yung mga posts ng mga kasama nating bloggers tungkol sa 2007 Phil. Ind. day? Naks naman parang Halalan2007 coverage eh noh.

Asa... *LOL. What if magpa-contest tayo sa PBS Group Blog? Contest na ang mechanics eh mag-post lang sa group blog ng anything about Philippine Indepence day activities, history siguro or kahit ano basta tugma sa theme ng Kalayaan2007? At kung magpapacontest nga eh ano naman ang magiging prize? May makukuha pa kaya tayong mga sponsors? Baka may alam kayo.. o kayo mismo pwede ba kayong mag-sponsor ng prize? hehehe. Siguro kami ni B eh pwede mag-pa-host sa Dreamhost account namin for a year

Pwede na bang prize yun? Hosting lang ha hindi pa kasama yung domain hehe. At kung sakali mang matuloy, sino-sino naman kaya ang pwede nating makuhang mga magiging Judges if ever? hmmm... si MLQ3 kaya pwede maging Judge? Si Aileen? Si Annalyn? Si Yuga? at sino pa nga ba?

Nakow ba't nga ba ngayon lang natin naisip to hehe. Hindi pa nga ba huli ang lahat? Kaya pa ba nating ituloy 'to? Pwede pa naman yata... we could accept entries for the contest this whole week until friday. Tapos sa weekends ang judging period. Tapos sa Monday maia-aanounce ang winner?

Pwede? Kaya kaya? Feedback naman kayo

Bilisan lang ha kse mukhang konti na lang oras natin hehe. Brainstorming tayo! woohooo. Express pa-contest to pag nagkataon

Pagtulungan natin to at pag-BlogYaNiHaN baka sakaling maging successful

Yun lang muna. Wait po namin ang mga ideas, feedback, suggestions, criticisms, contributions, prizes, etc. nyo hehe. Thanks in advance sa inyong lahat.
Abangan ang Kalayaan2007 coverage ng PBS

hopefully matuloy... sa tulong nyo
