(pasensiya na po kung sa tagalog ko ito sinulat)
Lumaki po ako sa isang middle class na pamilya. Ung tipong may panahon masagana ang buhay at may panahon naman na tag-hirap. Nakatira ako sa Brgy. Rizal Distrito ng Makati(lumaki ako na un ang inaakala kong sumasakop sa amin, ngunit hindi pala. Boundary siya ng Makati at Taguig, ito ung malapit sa C5 pero kamakailan lang nalaman ko sakop pala kami ng taguig. Ang kwento sa akin ng nanay ko nabili nila ang lupa namin sa isang sundalo. Dun na ako lumaki, Hangang sa mag kaasawa at magka anak.
Nasa 25 taon na kaming nakatira doon. Talahiban at ilan ilan pa lamang ang mga pamilya ang nakatira dati dun kwento ng akin ama.
Dumating ang panahon ng progreso at pagunlad dumami na din ang pamilyang tumira sa lugar namin. Ngunit kamakailan lang nakatangap ng sulat ang mga tao sa lugar namin na nag sasabi sa December 19, 2009. Ay kailangan na namin lisanin ang bahay namin dahil kukunin na siya ng gobyerno ni
Freddie Tinga este gobyerno ng Taguig.

Ibig sabihin eskwater kami, sa gobyerno ang lupa hindi sa amin. Napaisip din ako sa tagal- tagal ng panahon na ako at aking ama ay isang TAX Contributor, eh nasa eskwater pala lugar namin. Ang estado naman ng mga bahay sa amin ay di katulad ng mga barong barong na bahay, Marami sa kapitbahay namin ang may 3 hangang 5 palapag na kongkretong bahay.
Sadyang nakaka alarma lang talaga ang sulat na natangap namin. Pinaaalis kami sa lugar kung saan ako lumaki, nagkaroon ng kaibigan, bumuo ng pangarap,
natuto magsumikap, nagka inspirasyon upang makatapos ng pag-aaral.
Sinikap ng magulang ko na bigyan ako ng magandang buhay at bahay mula sa dugo at pawis nila. Dati tinatawan ko un pero ngayon naiintindihan ko na.
Un pala isang sulat lang ang sisira ng lahat.
Paalisin ang lahat ng nakatira sa lugar namin na walang maasahang tulong pinansyal mula sa Gobyerno. Upang mag bigay daan sa isang pang komersyong proyekto.
Ang Pakiusap lang namin na sana man lang bayaran ang bahay na aming pinundar.
Bago ako matulog sa gabi tinatanong ko ang sarili ko, ano kaya ang ginagawa ni
Mr. Freddie Tinga ngayon? Masarap ba ang ulam niya, malambot ba ang mahihigaan niyang kama. Ano kaya ang nararamdaman niya ngayong malapit na ang Pasko at alam niya na may 200 Pamilya ang mawawalan ng bahay. Marahil masagana ang magiging pasko niya. May Hamon at Queso de bola sa Hapag kainan nila., masaya at magkakasama silang mag-anak. Habang may mga pamilyang mawawalan ng tirahan at mag-iisip kung paano magsisimulang muli.
Napapa ngiti pa rin ako “eskwater ako sa sarili kong bayan”.
(Maraming salamat po sa pag-basa ng kwento ko)